MHIMI | FILIPINA | ILOCANA | 18 | STUDENT | FEU | SINGLE BUT HAPPY
Pag iniwan mo na ang isang tao, wag ka na umasang babalikan ka pa niya. Oras na para lumakad ka paabante ng sa gayon makita mo ang mas maganda pang kinabukasang naghihintay sa iyo ng wala siya. Magagawa mo naman ang mga ito, dahil hindi siya ang mundong magpapaikot sa iyo. Mas masasaktan ka lang kung naghihintay ka sa wala.
Paano kung bumalik sa oras na nakamove-on ka na sa kanya?
Kasi, ganito yun. Minsan, mas pinipili nating wag na sila hayaang bumalik pa sa ating buhay, dahil maaaring bumalik ang saya, dagdag pa nito, ang sakit kung paano ka niya niloko at sinaktan.
Paano kung sa pagbabalik niya, panindigan na niya ang kanyang mga salita?
Nasa sa iyo naman iyan kung paniniwalaan mo siya o hindi, kaso hindi na kayo tulad ng dati, tulad ng isang nahulog na gamit pero hindi naman nasira, nalamatan na ito kumbaga. Maaaring mapuno ng suspetsa o pagdududa, pero nasa inyo pa ding dalawa yan kung may nararamdaman pa din kayo sa isa’t-isa at babalewalain na lamang ang mga ito.
Ayoko na. Wala na ako nararamdaman sa kanya, pero nung bumalik siya at nagmakaawa, hindi ko napigilan ang sarili kong pakinggan siya.
Pagbibigyan mo ang kanyang kahilingan o babasagin ang pangako mo? Kung ikaliligaya mo ang pagbabalik niya, bahala ka. Hindi ka marunong tumupad sa sarili mong usapan. Minsan, mas mabuti ng sundin at labag sa kalooban, dahil anong malay natin, may makahanap sa iyo at mahalin ka pa, at pag-iingatang hindi masira ang pagmamahal na iyong ibibigay sa isang tao.
(via bittersileana)
Ang RELASYON ay parang sticker. Once na tanggalin sa PAGKAKADIKIT, hindi na gaya ng dati na matibay ang KAPIT.