MHIMI | FILIPINA | ILOCANA | 18 | STUDENT | FEU | SINGLE BUT HAPPY
Ewan ko ba kung bakit type na type ko ang mga bad boy. Nakakatakot naman sila. Yun ang nafefeel ko. Basta para sa akin may taglay silang kaakit-akit. Ang nakakalaglag panty nilang smile o tinatawag na killer smile. Haha charaught! Ang pagiging suplado nila minsan, kung paano sila magpakita ng pagmamahal at kung paano nila protektahan ang mga taong mahal nila. Kainlove lang! Naaamaze at nakucurious ako sa kanila. Gusto ko silang alagaan na parang baby. Oo nga, mga BADBOY ay dangerous, chickboy, at coldhearted pero may mga weakness din sila. yun ay yung mga mahal nila. At pag napana na ng makulit na si kupido ang mailap nilang puso at nahanap na ang right girl ay kung todo sila kung magmahal, hindi sila nangingiming magbago para sa mahal nila. May times na kahit super nagseselos na sila ayaw pa rin nilang ipakita dahil nga mapride sila para kasing ikasisira ng reputasyon nila bilang badboy yun, pero magkaganun man ginagawa nila lahat mapasaya lang ang taong mahal nila. Minsan din nagiging selfish sila kasi ayaw nilang mahati ang atensiyon ng mahal nila sakanila. Haha! Higit sa lahat, overprotective sila sa mga mahal nila. Ayaw nila itong nakikitang nasasaktan. Ganun sila umibig ng totoo. Isa sa mga pangarap ko ang maranasang mainlove sa mga ganoong tipo ng lalake. chos! Naman!! Alam kong kahit masaktan man ako at iiwang umiiyak atleast naging masaya ako sa piling niya kahit sa maikling panahon lang.