MHIMI | FILIPINA | ILOCANA | 18 | STUDENT | FEU | SINGLE BUT HAPPY
Siya ang ilaw ng aming tahanan, ang nagsilang sa akin at masilayan ang mundong ito. Ang pinaka-importanteng babae sa aking buhay, dahil kung wala sya wala rin ako. Ang nagturo sa akin ng magagandang asal, na magkaroon ng takot sa Diyos, wag mangingiming humingi ng tulong, magpray at magtiwala Sa Kanya. Ang nagturo sa amin na kahit umangat man o hindi sa buhay, huwag magmayabang at mapagmataas sa kapwa. Inang nagsakripisyo na lumayo sa amin at mangibang bansa upang mabigyan kami ng magandang buhay. Wala man siya sa tabi namin nun, hindi niya kami pinabayaan. Ang pagmamahal niya sa amin ay walang katulad at walang katumbas na anumang bagay dito sa mundo. She would sacrifice her happiness for us to have a better living. Ganun niya kami kamahal. Nakita ko kung gaano siya nahihirapan pero kinakaya niya parin ayaw niya sumuko dahil pag sumuko siya “pano na kami” yun ang lagi niyang inaalala. Alam ko napapagod na siya, kung pupwede lang ako na sasalo sa lahat ng pagod na nararamdaman niya e, para naman kahit papano gumaan loob niya. Ako rin kasi nahihirapang makita siyang napapagod. I want to ease her pain by hugging her so tightly and telling her how much i love her. Siya ang buwan ko na gumabay sa akin sa madilim na daan. Ang naging inspirasyon ko sa lahat. At nagtiwala sa akin ng sobra. Itinuring kong kaibigan at itinuring akong confidant niya. Ewan pero ang saya ko pag nagkwekwentuhan na kami ng aking INA. Minsan minsan lang kasi kami magkakwentuhan e. Pero sulit naman. Kasi pinapangaralan niya kami sa mga bagay bagay na dapat gawin. Wala namang INA ang walang pangarap para sa kanilang mga anak. Diba? My mother would do anything for our future, ayaw niya kaming mahirapan, gusto niya iparanas sa amin ang magandang buhay na di niya naranasan noon. Gusto ko suklian lahat lahat ng paghihirap niya. At gusto kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal at kung gaano siya kabuting Ina sa amin. She is the most wonderful Mom in this world. I want to thank her for everything and i want to say sorry for all the things I’ve done wrong. Sorry Mama.. Ang OA ko na. Pagbigyan nyo na ako, gusto ko kasi sabihin lahat. Dito lang ako nakakapagsabi ehh. Hehe anyways. Happy Happy Happy 40th Birthday Mahal kong INA!! Wish you more birthdays to come. Take care always. I love you so much Mama. I’m not promising anything but I’ll do everything to make you happy Mama. Godbless.. Again Happy Birthday! :) ^___^ sorry masyadong excited sa birthday niya mamaya na kasi e. hahaha